- 1.Durian
Sabi daw nila ang Durian "tastes like heaven but smells like hell".Hindi makukompleto ang pagpunta mo sa Davao kung hindi mo ito matitikman.Ang prutas na ito ay sikat dahil ito ay may kakaibang masarap na lasa.Ito rin ay masustansya.
2.Philippine Eagle
Dito sa Davao matatagpuan ang Philippine Eagle Nature Park kung saan makakakita ka ng Philippine Eagle.Sila ay si Pag-asa at Malaya.
3.Mga Malls
Maraming magagandang Malls sa Davao.Ang Abreeza Mall At ang SM Lanang ang halimbawa nito.Marami kang pwedeng gawin sa mga malls na ito.May sinehan,restawran at mga shops.
4.Lechon Buwaya
Ito ay sikat dahil ito ay kakaiba.Nabibili ito sa Davao Crocodile Park.Sabi daw nila,Ito ay lasang manok.Imbes na mansanas ang nilalagay sa bibig katulad ng Lechon baboy,buko ang nilalagay sa Lechon Buwaya.
5.Pasalubong
Marami kang mabibilhan ng pasalubong dito sa Davao katulad ng Lola Abon's at Aldevinco.Sa Lola Abon's makabibili ka ng iba't ibang produkto gawa sa Durian at sa Aldevinco makabibili ka ng mga iba't ibang gamit at ethnikong produkto.
Huwebes, Pebrero 28, 2013
Ito ang mga pinagmamalaki ng Davao
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento